Posts

Showing posts from October, 2019

Entry #6 Sto. Nino Church

Image
Itinatag ito noong 1986, ang Sto Nino Diocesan Church sa Butuan ay isa sa mga simbahan sa makasaysayang lungsod kung saan marami ang naniniwala na dito una lumapag si Magellan. Matatagpuan ito sa Maharlika Highway, Libertad Butuan City, Agusan Del Norte sa Pilipinas. Ito ay kilala bilang Sto Nino Shrine o Sto Nino Parish. Mga paraan kung paano makapunta sa Sto Nino Church: Kung galing ka sa Plaza, sumakay ka nang jeep na ang rota ay numero 2. Sabihin mo sa drayber na sa Sto Nino Church ka hihinto.

Entry #5 Balanghai Hotel

Image
                                                        Ang Balanghai Hotel ay matatagpuan sa gitna nang Butuan City na siyang sentro ng rehiyon ng Caraga Region. Para sa mga manlalakbay na nais kumuha nang mga tanawin ng Butuan, ang Balanghai Hotel ang unang pagpipilian. Mga paraan kung paano makapunta sa Balanghai Hotel: Kung galing ka sa Plaza, pupunta ka muna sa may Puregold Pagkatapos ay sasakay ka nang jeep na ang rota ay numero 4, sabihin mo sa drayber na sa Balanghai Hotel ka pupunta, katabi lang nang Balanghai Hotel ang Museo ng Butuan City.

Entry #4 Plaza/Guingona Park

Image
Matatagpuan ang Guingona Park kung ano ang ginamit sa public square o Plaza ng Butuan sa loob ng ilang taon. Mayroon itong malaking puno ng acacia na higit pa sa isang siglo. Ang munomento ni Rizal ay ginawa nang isang sikat na iskultura ng Pilipino, Garcia Velarde. Mga paraan kung paano makapunta sa Plaza/Guingona Park: Kung galing ka sa palengke nang Butuan, sasakay ka nang kulay kahel na tricycle. Pagkatapos ay sabihin mo sa drayber na sa Plaza/Guingona Park ka hihinto.

Entry #3 Butuan National Museum

Image
                                                    Ang Butuan National Museum ay isang Museo ng pambansang sangay sa Butuan City. Ang lungsod mismo ay sagana sa mga materyales at mga item na nagmula sa sinaunang panahon. Itinatag ang Museo upang matiyak ang wastong proteksyon at pangangalaga ng Balanghai Boat o kilala rin bilang Butuan Boat. Mga paraan para makapunta sa Butuan National Museum: Una, kung galing ka sa Plaza, pupunta ka sa may Puregold Pangalawa, sasakay ka nang jeep na ang rota ay numero 4 Sabihin mo sa drayber na sa Museum ka lang.

Entry #2 Narra Hotel

Image
Ang Narra Hotel ay isang lugar kung saan maaari kang makapag pahinga. Ito ay napapaligiran ng mga puno. At ito ay may nakakapamanghang tanawin ng Agusan River. Matatagpuan uto sa Purok 1 Barangay Bading Butuan City. Mga paraan kung paano makapunta sa Narra Hotel: Kung galing ka sa Plaza, sumakay ka nang kulay kahel na tricycle. Sabihin mo sa driver na pupunta ka nang Narra Hotel. Pagkatapos, ay ihihinto ka nila sa may hagdanan, pagkatapos ay lalakad ka nang unti, at doon mo makikita ang Narra Hotel.